Basketball game na full court at 5-on-5

Noong Biyernes sinabi ko sa Twitter tungkol sa five-on-five full court basketball game na sinalihan ko na “this deserves a full blog post…”

Pag nagbabasketball kasi ako, kadalasan one-on-one lang. Madalang yung two-on-two o three-on-three. At palaging half court.

Kaya isang mahaba-habang blog post ang naisip kong isulat para i-document yung game na yun. Kulang na kulang ang 140 characters kada tweet sa Twitter.

Kulang ng isa
Katatapos ko lang ng dalawang one-on-one game sa covered court kaya naman nagpahinga muna ako dun sa hagdan papunta sa stage.

Pagkalipas ng ilang minuto, nilapitan ako ng isang lalaki na naka-jersey na puti. Kulang daw sila ng isang player sa team nila. Sali raw ako.

Shorts na suot ko sa game
Shorts na suot ko sa game

Umiling ako. Ayoko kasi eh.

Una, pagod pa ako. Pangalawa, hindi ko kakilala magiging teammates ko. Pangatlo at higit sa lahat, hindi naman ako player talaga. Magkakalat lang ako. Baka ako pa ikatalo ng team nila.

Sabi naman niya sa akin, wala naman daw akong dapat gawin. Tatakbo lang daw ako. Kailangan lang talaga ng limang players.

Yun. Pumayag na rin ako. Madali naman ako kausap.

Sino teammates ko?
Hindi ko kilala yung ibang teammates ko. Pamilyar na nang konti yung nagyaya sa akin, kasi naka-one-on-one ko na siya nang dalawang beses dati. Pero yung tatlong teammates ko, dun ko lang talaga nakita.

Kaya sabi nung nagyaya sa akin, kakampi ko raw silang dalawang naka-jersey na puti, at dalawang naka-jersey na blue.

Picture na kinuha ko kanina
Picture na kinuha ko kanina

At yun na nga. Nag-umpisa na ang laro. Wala nga akong ginawa kundi tumakbo at magbantay. Sinigurado ko rin na hindi ko kakampi yung binabantayan ko.

Dalawang beses ako naka-rebound. Ang tagal ko nga lang naipasa yung bola. Nag-isip muna ako, kasi baka maipasa ko sa kalaban. Kasi nga hindi ko naman kilala mga kakampi ko.

Resulta
Nanalo naman ang team ko. Hindi ko alam kung ano score, ang alam ko lang nanalo kami kasi nagbigay ng pera yung isang player ng kabilang team dun sa isang kakampi ko.

Tingin ko malaki-laki rin yung pustahan nila. Hindi ice tubig lang o RC.

Hindi ako kasali sa pustahan. Kasi nga niyaya lang ako maglaro para makumpleto yung limang players.

Masaya ang one-on-one, pero iba pa rin talaga yung basketball na full court, at may sampung player na naglalaro.

Higit pa sa pera o ice tubig o RC ang nakuha ko noong Biyernes. Ang nakuha ko, kakaibang experience.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s